Navigator Bar Mandaue, Cebu


Sa Navigator Gay Bar -Cebu

Nakalimutan ko na ang pangalan nya pero siguro naman kapag nakita ko ulit sya, makikilala ko pa din.  Sya yung itinable ko nung minsang bumisita ako sa Navigator dahil nabobored ako. Ang Navigator ay gay bar sa Mandaue, medyo accessible naman sya. Kapag nagtaxi ka alam na nila yung bar na yun.

Mukhang batang bata pa at game na game yung Navigator Guy. Nagsasayaw pa lang sya iba na yung dating niya, Napapatingin ako sa kanya kahit papaano baka naman may makausap ako. Napansin niya siguro, pero sa hindi ko malamang dahilan hindi niya kaagad nagawang lumapit. Mukhang nakiramdam muna. Pinuntahan niya yung bading na mamasan siguro yun, di ko alam tamang term. Tapos yung bading na lang ang lumapit sa akin. Tinanong ako kung gusto ko raw ng kausap, at may irerekomenda raw sya sa akin. Isa lang ang sagot ko at medyo antipatiko, HINDI wag na!

Umalis si bading at iniwan akong mag isa sa table. Nagpapansin yung Navigator Guy. Napapakunot ang noo ko, hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya magawang lumapit sa kin, eh trabaho naman niya iyong maghanap ng katable. Hindi ko na lang inintindi, siguro ay mahiyain lang.

Naka dalawang bote na ako ng tanduay Ice, okey naman, bigla akong naiihi. Binantayan ko muna yung Cr, sinigurado kong walang tao. Nag Cr ako. Napansin ko yun CR nila mukhang hindi bagay sa bar, hehehehe… parang public restroom nung dekada 80.

Sakto na naglalabas na ako ng tubig sa katawan, may pumasok at pumuwesto. Yung navigator guy pala. Kinakausap niya ako, pwesto nakatalikod ako sa kanya at sya ay nakatagilid, tinatanong niya ako kung pwede daw bang makipagkilala, sagot lang ako ng oo. Natapos akong umihi, nakapwesto pa din sya nakadisplay ang alaga at napailing na lang ako. Tinanong niya ako kung pwede daw ba akong lumapit sa table ko, Sinagot ko na lang na oo.

Maayos namang kausap ang Navigator Guy, Kaya lang medyo nagmamadali atang uminom, ako naman sige lang ng sige. Medyo di ko maintindihan ang style ng batang ito. Nagkukuwentuhan kami tungkol sa kanya, Nursing student daw sya sa UC Banilad. Naaya lang daw siyang sumayaw nung minsang sumali siya sa MR. Lapu lapu ata. Hindi rin daw siya bisaya, Bicolano daw siya.

Diretso siyang magbigay ng opinyon o kumento, kaya lang ang hita niya halos ipatong na sa hita ko. Medyo umiiwas ako, hindi naman ganun ang pinunta ko dun. Gusto ko lang ng medyo ibang makakausap, yung tipong medyo malayo sa natural kong buhay opisina. Natawa na lang din ako na medyo gusto niya na hawakan ko ang kanyang tinatago. Sinabi ko na lang sa kanya, wag na. Kahit di mo ipahawak yan, bibigyan kita ng tip basta  magkwentuhan na lang tayo.

Siguro akala ng batang ito ay hindi ako magbibigay ng tip kaya ang ginawa parang gripo kung tumira ng beer. OO lang ako ng oo kapag hihingi bahala siya. Malasing ka kung malasing.

Tinamad na din ako sa kausap ko, maganda ang pisikal na looks niya pero ang buses hindi  ko lang natipuhan kaya siguro nawalan ako ng gana sa kausap ko. Maari din naman na hindi ko na gusto ang direksyon ng usapan. Hindi ko na kasi maintindihan.

Sinabi ko sa kanya kunin ko na ang bill at tinawag niya ang waiter. Medyo malaki ang bill na medyo nagulat ako kasi hindi yun ang expected ko, kaya lang wala na akong panahon na tingnan pa ang breakdown. Babayadan ko na sana, pero yung navigator Guy, napansin siguro na napakunot ang noo ko at narinig yung sinabi ng waiter kung magkano ang bill. Kaya tiningnan niya ang bill, sinabi nitong mali raw. tiningnan ang tamang amount at ayon tama nga labis nga.

Di ko alam kung sadyand dinagdagan ng waiter o ng kung sino man. Pero mabuti na lang at parang may alam yung katable ko at itinama niya. Yung lumabis binigay ko na lang sa Batang Navigator.

Para sa akin, hindi masyadong class ang Navigator kumpara sa Cheetah. Medyo luma na ang table at chairs. Pero yung show naman madaming variety. Kunti lang ang tao kumpara sa cheetah, siguro dahil may entrance fee sa navigator nung pumunta ako big night daw 250.

Hindi pa ulit ako nakakabalik doon. Wala kasing panahon.

About mylifeincebu

cebu cebu
This entry was posted in Cebu, Gay Bar in cebu, Navigator, Travel, Visayas and tagged , , , , , , . Bookmark the permalink.

9 Responses to Navigator Bar Mandaue, Cebu

  1. steph says:

    wow…nice nga sa navigator….nung isang gabi pumunta kami….pinapakita nila yung alaga nila sa mga customers…kaso patay ang ilaw..pero makikita parin ang lawit na alaga nila…..pinupuntirya nila mga bakla…kasi mapera daw…di sila lumalapit sa mga babae….siguro minsan lang pag wala masyadong customer…:_:

  2. pams says:

    ganyan naman talaga kasi work nila yon………..

  3. nyiangg says:

    minsan nakapunta na ako sa navigator ! first time kung pumasok sa mga ganyan ! at na love at first sight ako sa isang guy doon ! napaka cool niya :)

    • Xien Xing says:

      love @ first sight talaga? hehehe.. pangit dun..may bayad..kahit cno pa gumagamit.. mas mabuti sa akin ka nlng girl.. ayos pa.. :) <3

  4. Jacinth says:

    ANu ba yan,,, saan ba ako makakakita nang lalaking matino .. ung hindi lang sex at pera ang laman nang ulo…. hmmm Any idea?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s