Naughty Ka Bar Mandaue, Cebu


Naughty Ka Bar

Dati ko nang nakikita nag bar na ito kapag napapadaan ako sa AS Fortuna. Wala lang talaga akong time para dumaan doon. Pero, sometimes this year nagulat ako na wala na ang Naughty Ka bar doon. Sarado na? Hindi pala lumipat lang.

Sunday night ata yun, hindi ako makatulog. Bumangon ako sa kama at naligo, nagbihis nag ayos ng sarili. Sumakay ng jeep papuntang highway. Doon ako sumakay ng taxi. Sinabi ko sa driver, sa naughty ka po tayo. Pero mukhang naguluhan ang driver hindi niya alam kung nasaan ang bar. Kaya sabi ko ang navigator alam niyo po? Mabuti naman at alam niya. Kaya sabi ko dun na lang ho.

Doon kami dumaan sa merkado. Sakto. Doon din pala lumipat ang naughty ka. pinahinto ko ang taxi at iyon na. Nakapasok ako sa naughty ka.

Pag pasok ko walang customer kundi isang bayot lamang, doon ako umupo malapit sa pinto at nandoon din siya. Tinangka akong kausapin ng bayot pero siguro likas lang na suplado ako. Kinausap ko lang siya ng konti at lumipat na ako ng table.

1130 na noon, hindi pa nagsisimula ang show. Siguro kasi lugi dahil isa lang ang customer nung time na yun. Kaya nung dumating ako nag order naman ako kaya nagshow na din. Mas ok naman show, doon. Hindi malaswa kagaya sa Navigator. Hindi ko alam baka kaya ganoon kasi 2 lng customer nung gabing yun.

Wala pa ding nagtatangkang lumapit na dancer sa akin. Parang ayaw nilang mapatable. Maliban na lang dun sa bading na performer na tlgang napatawa ako ng napatawa sa performance niya. Lumapit siya sa akin at nakipagkwentuhan, tawa pa din ako ng tawa. mahusay at magaling talgang magperform.

May lumapit din sa aming dancer na lalaki. Nakatable namin, hindi naman katangkaran parang kasing height ko lang, malaki nga lang ang katawan kumpara sa akin. Ok lang ding kausap. Hindi malaswa kagaya nung katable ko sa Navigator. Okey ding kakwentuhan, hindi nagmamadali sa pag inom.

May napansin lang ako sa ugali nitong dancer na ito. Mukhang mainitin ang ulo. Medyo nagbibiro kasi ako nung tinanong ko ang edad niya, nung sinabi niya medyo hindi ako makapaniwala, wala kasi sa mukha niya. Matured siya tingnan. Ewan ko ba parang hindi na maganda tono ng boses niya. Pero okey na lang din.

Bandang ala una na ng madaling araw, tumigil na ako sa pag order. Tinanong ako manager ata yun, kung oorder pa. sabi ko hindi na. Ayun nagsara na ang naughty ka. Okey lang naman para makauwi na din ako. Gusto ko ding matulog hehehehe.

Nagpaka gentleman naman yung katable ko. Pero di ko na masyadong pinapansin, hinatid niya ako sa labas. Isinakay niya ako sa taxi. Hindi ko matandaan kung nagbigay ako ng tip. Parang hindi ata.

Eto yung mga linya na hindi ko makakalimutan na narinig ko sa 2 kong katable sa naughty ka.

Yung Dancer:– Nagrereklamo.  “Kanina hindi magsimula ang show. Iisa lang ang customer yung bayot na andun sa may pinto, di naman nagtable. Nag order lang isang bote na beer. Natapos lang ang show yun lang order niya.Luging lugi ang dancer kapag nagsayaw.”

Yung Bading — Nangbobola. “Ui, kala ko mag aapply kang dancer dito. Kaya walang nalapit sayo eh, akala hindi ka customer.” (Nasabi ko kasi sa kanya, wala akong makausap dito.. wala kasing nalapit sa akin)

About mylifeincebu

cebu cebu
This entry was posted in Cebu, Cheetah Bar, Gay Bar in cebu, Naughty Ka, Navigator, Travel, Uncategorized, Visayas and tagged , , , , , . Bookmark the permalink.

5 Responses to Naughty Ka Bar Mandaue, Cebu

  1. Maki says:

    san ba ang naughty ka bar? pki turo sa akin ang direksyon pls.

  2. mylifeincebu says:

    sa Guiso Mandaue, Basically nadadaanan sya ng jeep going to Manduae-Mercado. It is easy to find somewhere in Mercado sa Mandaue.

  3. ursula says:

    simply lang sa labas wlang masiyadong drama..pero te sa loob grabe napakainit ng mga performance ng mga dancer.Good Job balik ako dyan.promise

  4. gemma boton says:

    i’ve been to naughty ka for so many times. ang hirap lang sa kanila is pipilitan ka nilang makapag table ng dancer nila and there asking for some drinks too. kahit wala kang balak makipag table ng dancer bibigyan ka talaga nila. not like sa cheetah na hindi ka nila pipilitin.

  5. James says:

    may kakilala po ba kayung mga kulboy? hehheh pwedi pahingi ng number?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s